Sa pagtutol laban sa budget cuts, MROTC, at pagkundena sa mga atake laban sa kabataan, tayo ay nagkakaisa sa pagsigaw ng ating mga karapatan at pagtatanggol sa mga nagtatanggol. Ito ang ating panawagan para sa ligtas, makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.
Hindi tayo magpapatinag sa mga hamon ng bagong semestre. Kaya't inaanyayahan ang lahat na magsama-sama, makiisa, at sumali sa pagkilos ng sangkaestudyantehan ng UPLB ngayong 07 September 2023, sa CPark (Hum Steps Mass-up) ng 3:30 PM. Magsuot ng pula bilang tanda ng ating nagkakaisang pakikibaka.
Walang makakapigil sa lakas ng mga Iskolar ng Bayan na handang lumaban para sa edukasyon at kalayaan.
#IgpawPasulongUPLB#DefendTheDefenders
Comments