Inaprubahan ng General Assembly of Student Councils (GASC) sa kanilang 54th Convention ngayong February 4 sa UP Cebu, Cebu City ang resolusyong inihain ng UPLB College of Engineering and Agro-Industrial Technology Student Council (CEATSC) kasama ng ilang mga konseho sa UP system kung saan tinalakay ang lumalalang krisis pangtransportasyon at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga panawagan tungo sa makamasang serbisyong-transportasyon at pagbasura ng mga neo-liberal na polisiyang nagpapahirap sa mga mamamayan.
Pinangunahan ni UPLB CEATSC Chairperson Niezelle Mae Visaya ang paghahain ng nasabing resolusyon kung saan lumutang ang iba't ibang uri ng mga manipestasyon at pagsuhay ng ilang mga konseho upang mas mapagtibay pa ang nasabing mga panawagan.
Comments