U.S. TROOPS, PALAYASIN! PAMBASANG SOBERYANYA, ISULONG!
Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa panghihimasok ng U.S. para sa Balikatan Exercises 2023
U.S. TROOPS, PALAYASIN! PAMBASANG SOBERYANYA, ISULONG!
Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa panghihimasok ng U.S. para sa Balikatan Exercises 2023
Isang malaking sampal sa soberanya ng Pilipinas, dalawang araw matapos ang Araw ng Kagitingan, ang pagbabalik ng Balikatan Exercises kung saan mahigit 12,000 na militar ng United States ang bukas kamay na tinanggap ng Pilipinas upang mag-ensayo kasama ang mga Pilipinong militar. Ito ay kaakibat ng huwad na Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) na naglalayong paigtingin daw ang alyansa ng U.S. at ng Pilipinas sa mga panahon ng sigwa.
Ngunit, sino nga ba ang laging laman ng mga balita na nakikipagdigma sa iba’t ibang bansa at ginawa nang negosyo ang hidwaan? Walang iba kung hindi ang U.S. mismo! Dahil sa EDCA, Balikatan Exercises, pati na ang pagtatayo ng mga base militar ng U.S. dito sa Pilipinas, sumisidhi ang tensyong militar sa China na nagpapasadelikado sa katayuan ng Pilipinas lalo na sa pinag-aawayang West Philippine Sea. Bukod pa rito, ang pag-eensayo ng mga militar ng U.S. ay nagbubunsod ng panganib sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisdang pinapaalis sa kanilang lupa at katubigan upang maganap itong Balikatan Exercises. Hindi rin natin kalilimutan na ang mga masahol na pumapatay ay walang iba kundi ang mga Kanong militar tulad ng sa kasong panggagahasa ni Cpl. Daniel Smith at ang pagpatay ni Cpl. Joseph Pemberton kay Jennifer Laude.
Mariing kinokondena ng Konseho ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal ang lantarang pagpapakatuta ng administrasyong Marcos-Duterte sa imperyalistang U.S. imbis na ipaglaban ang interes ng masang Pilipino. Halimbawa nito ang pagdakip ng estado sa anim na lider-estudyante na nagsagawa ng iglap protesta sa harap ng U.S. Embassy upang tutulan ang pagsulong ng Balikatan Exercises. Kaya naman, bilang mga Inhinyero ng Bayan, ating paigtingin ang pagtutol sa pamamalagi ng mga militar mula U.S. at ng kahit anong panghihimasok ng mga imperyalistang bayan sa ating bansa.
#USTroopsOutNow
#JunkEDCA
#NoToBalikatan
#FreeGabrielMagtibay
#FreeJoannePagkaliwangan