REDTAGGING AT PAMAMASISTA NG 80TH IBPA, TUTULAN, LABANAN!
Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa redtagging ng SAMBAYANAN-Rizal at sa pamamasista ng 80th Infrantry Batallion sa Montalban, Rizal
REDTAGGING AT PAMAMASISTA NG 80TH IBPA, TUTULAN, LABANAN!
Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa redtagging ng SAMBAYANAN-Rizal at sa pamamasista ng 80th Infrantry Batallion sa Montalban, Rizal
Lantarang niredtag ang mga progresibong organisasyon at indibidwal na mga boluntaryo ng Southern Tagalog Serve the People Corps (STPC) sa isang Facebook post ng SAMBAYANAN-Rizal. Nabanggit at napasama sa mga litrato ng post ang dalawang mag-aaral mula sa UPLB. Inakusahan nito ang iba’t ibang mga lehitimong organisasyon na “ligal front” daw ng Communist Party of the Philippines at ng New People’s Army (CPP-NPA). Ang mga ganitong patutsada ay walang ginagawa upang makatulong sa mga residenteng apektado ng pamamasista ng 80th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) at isinasapeligro pa ang mga buhay ng mga progresibong indibidwal na layunin ay makatulong sa mga apektado.
Kahapon, ika-7 ng Abril, ay nagtungo ang STPC upang maglunsad ng community kitchen at assessment sa Baranggay Mascap, Montalban, Rizal para sa mga residenteng lumikas dahil sa lumalalang militarisasyon at bantang bombing ng 80th IBPA. Tinatayang nasa mahigit 245 na pamilya na ang lumikas mula sa iba’t ibang bahagi ng Rizal. Itong planadong pagbomba ng mga militar sa mga sibilyan ay tahasang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) na pinirmahan mismo ng gobyerno ng Pilipinas.
Mariing kinokondena ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal ang pangreredtag ng SAMBAYANAN-Rizal at ang panggigipit ng 80th IBPA na siyang nagsusulong ng karahasan at nagdudulot ng takot sa mga mamamayan. Ngayon higit kailanman ay hinihimok namin ang buong komunidad ng CEAT na tumindig at labanan ang delikadong panreredtag sa ating mga kapwa iskolar ng bayan, kasabay ng panawagang panagutin ang totoong teroristang 80th IBPA sa nagpapalaganap ng karahasan at intimidad sa mga residente ng Montalban, Rizal at mga progresibong organisasyon.
Muli't muli, ang aktibismo ay kailanma'y hindi magiging katumbas ng terrorismo.
Maaari tayong mag-umpisa sa pag-report ng naturang post at i-tag ito bilang false information:
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid02Fs8CqSZ5dQBs7CZcvGVecLfsVDEuXXnRUtAcpiXBA4DQgJoUH8KdY1doUJDr3fdwl&id=100087072963482
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=pfbid0HzeEFt4M3WdaAeFfi3gQQfEwq7bWFzPJhDbTvra1wRdU2ptJb32auvCHAcWMT7Anl&id=100087072963482
Maaari rin nating i-report ang page upang waksihan ang pagpapalaganap ng maling impormasyon at pagsasadelikado ng buhay ng mga progresibong indibidwal at mga organisasyon.
#80thIBPAPanagutin
#UpholdCARHRIHL
#NoToRedTagging
#DefendSouthernTagalog