top of page

NTF-ELCAC, BUWAGIN, PAGBAYARIN! IPAGLABAN ANG UNYON NG MANGGAGAWA!

Opisyal na Pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa redtagging seminar ng NTF-ELCAC sa BIOTECH, UPLB

NTF-ELCAC, BUWAGIN, PAGBAYARIN! IPAGLABAN ANG UNYON NG MANGGAGAWA!

Noong ika-23 ng Pebrero 2023 ay kinompirma ng All-U.P. Workers Union (AUPWU) sa isang opisyal na pahayag sa kanilang Facebook page na nagsagawa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng isang forum sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology (BIOTECH), UPLB noong ika-22 ng Pebrero. Ayon sa Unyon, sinabi ng isang kinatawan ng NTF-ELCAC sa presentasyon nito sa naturang forum na ang AUPWU, Manila Chapter ay bahagi raw ng CPP-NPA-NDF na walang kahit anong ebidensyang isinaad.

Mariing kinokondena ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal kasama ng bawat indibidwal, mag-aaral, guro, kawani, at manggagawa ng UPLB, ang tahasang panghihimasok at panreredtag ng NTF-ELCAC sa ating pamantasan at maging sa mga kinasasakupuan nito. Ito ay isang malinaw na manipestasyon ng paglabag sa Safe Haven Resolution at panunupil ng kalayaan ng unyon na mag-organisa tungo sa pagtupad ng mga mithiin ng mga kawani ng unibersidad.

Nakakabahala ang mga ganitong hakbangin ng estado lalo na ngayon na tumitindi ang militarisasyon sa loob ng pamantasan buhat ng pagratsada sa National Citizens Service Training Program Bill sa kongreso. Bukod pa dito ay dumarami rin ang mga nauulat na sightings at mga iligal na gawain ng mga pulis at militar hindi lamang sa loob ng UPLB kundi sa kabuuan ng UP System.

Kaya naman tinatawagan ng pansin ang lahat ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal na maging mapagmatyag at kritikal sa mga panghihimasok sa unibersidad sa anyo ng campus militarization. Walang puwang ang mga ganitong hakbangin ng estado sa pagpapaunlad ng moralidad at kaisipan sa sistema ng edukasyon at pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon. Kung kaya’t maging kaisa sana ang mga magiging Inhinyero’t Inhinyera ng Bayan sa malawak na hanay ng mga mag-aaral, guro at kawani ng unibersidad sa mga panawagan nitong buwagin ang NTF-ELCAC, tutulan ang Mandatory ROTC, at pangalagaan ang akademikong kalayaan na karapatan ng lahat.

#PeaceTalksItuloy
#NoToRedTagging
#DefendAcademicFreedom

bottom of page