top of page

KARAPATAN PARA SA MGA KATUTUBO AT PESANTE!

OPISYAL NA PAHAYAG NG CEAT STUDENT COUNCIL HINGGIL SA PAGGUNITA SA BUWAN NG MGA KATUTUBO AT NG MGA PESANTE

KARAPATAN PARA SA MGA KATUTUBO AT PESANTE!

Kaisa ng mga kapatid nating katutubo at pesante, marubdob na ginugunita ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal ang buwang ito sa pagtindig para sa kanilang mga karapatan laban sa lahat ng pamatok ng panlipunang kawalang-katarungan at hindi pagkakapantay-pantay.

Mula noon hanggang ngayon, patuloy pa ring napapansin na ang mga katutubo, na karamihan ay mga magsasaka, ay nakararanas pa rin ng gutom at kakapusan sa pagkain lalo na tuwing tagtuyot, bagyo, pandemya, habang marami ang nanganganib sa mga mapanirang proyekto, pangangamkam ng lupa, at karahasan ng estado.

Patuloy pa ring napapansin hanggang ngayon na ang ating mga magsasaka, na karamihan ay mga pesante at katutubo, ay nakararanas pa rin ng gutom at kakapusan sa pagkain lalo na tuwing may mga natural na kalamidad gaya ng tagtuyot, bagyo at pandemya, habang marami ang nanganganib sa mga mapanirang proyekto, pangangamkam ng lupa at karahasan ng estado. Sa kabila ng patuloy na pangangalampag para sa karapatan sa kanilang sariling lupain ay tila kabaligtaran ito ng ibinibigay ng gobyerno. Matatandaang ang mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program ang siyang nag patalsik at nagpalayas sa kanilang sariling lupain, gayundin ang mga proyektong New Clark City, Kaliwa-Kanan Dam, Ahunan Power Plant at Bataan Nuclear Power Plant. Mapaniil ang mga ito lalo na sa ating mga pesante at katutubo, maski sa mga aktibistang nakikiisa sa kanilang laban, dahil sapilitan silang pinapaalis, binabantaan, hinaharas o hindi kaya’y dinadakip at pinapaslang. Harap-harapan silang pinagsasamantalahan ng estado at ng mga panginoong may lupa, at tila kinalilimutan ang kanilang mga karapatang pantao at kahalagahan sa ating lipunan.

Sa Pilipinas, hitik man sa likas na yaman ay marami pa rin ang mga taong naggigiit ng kanilang karapatan sa lupa at mga mapagkukunan. Bilang lugar ng mga pakikibaka sa kanilang mga taniman, ang mga pagpatay at panggigipit sa mga magsasaka at aktibista sa lupa ay nagpapatuloy pa rin sapagkat nagbubulag-bulagan ang gobyerno at ang mga pwersang panseguridad para sa karapatan ng mga pesante.

Kaugnay ng patuloy na paglaban sa kanilang mga karapatan ay pawang pagpatay at kawalanghiyaan ang ibinibigay ng gobyerno. Ngayong araw ring ito, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga kapatid nating nakiisa at nasawi sa mga sumusunod na pakikibaka para sa pantay-pantay na karapatan: Escalante massacre noong Setyembre 20, 1985; Mendiola massacre noong Enero 22, 1987; Lupao massacre noong Hunyo 23, 1987; Hacienda Luisita massacre noong Nobyembre 16, 2004; Kidapawan protest incident noong Abril 1, 2016; Sagay 9 / Hacienda Nene massacre noong Oktubre 20, 2018; at ang kamakailang TINANG 83.



Bilang mga susunod na inhinyero at inhinyera ng ating bansa na naglalayong makamit ang pag-unlad, marapat lamang na maunawaan natin na mayroon tayong mahalagang papel sa pakikiisa sa pagsulong sa karapatan ng mga kasamahan nating mga katutubo at pesante lalo na sa pagpapanawagan para sa tunay na repormang agraryo at pag-kundena sa lahat ng porma ng pang-aapi sa kanilang hanay. Kaalinsunod nito, nawa’y gamitin natin ang ating kaalaman upang gumawa ng ng mga etikal na desisyon at laging isaisip kung para kanino ba ang pag-unlad na ating isinusulong. Ngayong Indigenous Peoples at Peasant Month, patuloy tayong tumindig kasama ang uring magsasaka, hindi lang sa salita kundi mas mahalaga sa mga hakbang na gagawin natin bilang mga inhinyero. Tayo ay para sa pag-unlad ngunit hindi para sa kapinsalaan ng ibang tao.

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!

#KarapatanParaSaMgaPesante
#EngineersForPeasants
#LandToTheTillers
#DefendAncestralLands


Sumama sa mga pagkilos para sa Araw ng mga Pesante!
October 20 - Regional Caravan
October 21 - National Mob

bottom of page