top of page

IPAGPAPATULOY ANG MILITANTENG ESENSYA NG EDSA!

Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa paggunita ng ika-37 na anibersayo ng EDSA People Power Uprising

IPAGPAPATULOY ANG MILITANTENG ESENSYA NG EDSA!

IPAGPAPATULOY ANG MILITANTENG ESENSYA NG EDSA!

Opisyal na pahayag ng CEAT Student Council hinggil sa paggunita ng ika-37 na anibersayo ng EDSA People Power Uprising

Hindi na kinayang itago ng magagarbong imprastraktura, ng mga kantang paulit-ulit pinapatugtog sa mga radyo, at ng mga cronies na nagpapatakbo sa mga palimbagan ang karumalduma na pagkitil sa libo-libong buhay at huwad na pag-unlad sa rehimen ni Marcos Sr. Ang dekadang pakikibaka ay nagresulta sa EDSA People Power Uprising kung saan tinatayang mahigit dalawang milyong katao ang dumumog sa EDSA upang ipakita ang nagkakaisang pwersa ng sambayanang Pilipino na nagresulta sa pagpapatalsik ng diktadurang Marcos noong ika-25 ng Pebrero, 37 na taon ang nakakalipas.

Ngunit nakakakilabot dahil matapos ang pagkapanalo na ito ay walang pagbabagong naranasan ang mga mamamayang Pilipino dahil tila ba pinagpasapasahan ng mga naghaharing-uri ang liderato sa gobyerno at ngayo’y isang Marcos at isang Duterte na naman ang nakaupo. Ang estado sa mga paaralan, usaping reporma sa lupa, umento sa sahod, at krisis pang-ekonomiya ay walang progreso at ang iba pa nga’y mas lubha ang sitwasyon ngayon.

Kung kaya’t nakikiisa ang Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhenyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal sa pagsasabuhay ng militanteng esensya ng EDSA People Power Uprising. Sa mga magiging inhinyero ng bayan, maging kaisa tayo sa malawak na hanay ng kilusan ng bawat sektor sa mga hakbangin ng pagkondena at pagsisiwalat sa development aggression na yumuyurak ng karapatan ng mga magsasaka, mangingisda, at mga katutubong kapatid sa lupa, disenteng pabahay at kabuhayan, at sa kahit anong tangkang paggamit sa imprastraktura at teknolohiya upang itago at ipagsawalang bahala ang mga paglabag sa karapatang pantao sa anyo ng pag-unlad. Ang patuloy nating pakikibaka laban sa mga panggigipit ng gobyerno ang siyang patuloy ring sasalamin sa ating mga panawagang nakaugat sa paglaban sa ating mga karapatan.

Mabuhay ang kilusan ng masang Pilipino na nagpabagsak sa diktadurang Marcos Sr.! Mabuhay ang mga patuloy na lumalaban upang pabagsakin ang kasalukuyang mapang-api at mapagsamantalang sistema ng lipunan!

#EDSA37
#NeverAgain
#NeverForget

bottom of page