top of page

HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG BLOODY SUNDAY MASSACRE!

OPISYAL NA PAHAYAG NG CEAT STUDENT COUNCIL HINGGIL SA IKA-DALAWANG TAONG ANIBERSARYO NG BLOODY SUNDAY MASSACRE

HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG BLOODY SUNDAY MASSACRE!

TW: Death, Violence, Massacre

HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG BLOODY SUNDAY MASSACRE!

[OPISYAL NA PAHAYAG NG CEAT STUDENT COUNCIL HINGGIL SA IKA-DALAWANG TAONG ANIBERSARYO NG BLOODY SUNDAY MASSACRE]

Ika-7 ng Marso taong 2021, dalawang araw matapos ipag-utos ng administrasyong Duterte sa Philippine National Police at Philippine Army na "balewala ang karapatang pantao", "patayin" at "tapusin" ang mga rebeldeng komunista sa anumang armadong engkwentro sa kanila, nagsagawa ang mga miyembro ng parehong pwersa ng Case Operation Plan AS VAL sa CALABARZON laban sa mga umano'y miyembro ng "komunista at teroristang grupo".

Kaisa ang Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal sa mariing pagkondena sa walang habas na pagpaslang at pagkaladkad ng pwersang militar at mga kapulisan sa mga inosenteng mamamayan sa kanilang mga tahanan sa isinagawang 24 na search warrant operations sa iba’t ibang komunidad ng rehiyon na nagresulta sa pagkasawi ng siyam na buhay at pagka-aresto sa pito na mga unyonista at human rights defenders. Kasabay ng pag-alala sa madugong engkwentro na ito ay ang matalas nating panawagan upang panagutin ang administrasyong Duterte at ang mga sangkot sa kanilang kababuyan at paglabag sa karapatang pantao.

Ngayong araw rin ay inaalala natin ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na sina Emmanuel “Manny” Asuncion , Ana Marie “Chai” Lemita-Evangelista, Ariel Evangelista, Melvin Dasigao at Mark Lee “Makmak ” Coros Bacasno, at mga katutubong magsasaka na sina Abner Esto, Edward Esto, Puroy Dela Cruz, at Randy Dela Cruz. Atin ring ipinapanawagan ang agarang paglaya’t pagsasawalang-sala ng mga human rights defenders na inaresto nang iligal na sina Esteban "Steve" Mendoza, Elizabeth "Mags" Camoral, Nimfa Lanzanas, Eugenio Tadeo, Joan Efren, at Erlindo “Lino” Baez. Alinsabay sa pag-alala sa kanila ay ang patuloy na panawagan sa hustisya at ang pagpapatuloy ng labang kanilang sinimulan — ang pagtataguyod sa karapatang pantao.

Bilang pagpapatibay sa paggunita sa madlilim na pangyayari ng Bloody Sunday Massacre, hinihimok natin ang lahat ng mga mag-aaral ng CEAT na makiisa sa paggigiit ng hustisya at pagpapanagot sa teroristang estado na patuloy ang pag-atake sa karapatang-pantao lalo’t higit na tumitindi ang mga hakbangin ng administrasyong Marcos-Duterte na pasukin ang mga unibersidad gamit ang Mandatory ROTC upang mang-redtag, maniktik, at mangharas ng mga progresibong organisasyon at mga lider-estudyante — mga pasistang hakbangin na rin ng mga nakaraang administrayon bago pa man maupo ang tambalang Marcos-Duterte.

HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG BLOODY SUNDAY MASSACRE!

#2YearsNoJustice
#Justice4BloodySundayPH
#ResumePeaceTalks
#DefendSouthernTagalog
#NoToMandatoryROTC

bottom of page