Hustisya Para Kay Zara Alvarez
Opisyal na Pahayag ng CEAT Student Council Hinggil sa Ika-Lawang Taong Pagkamatay ni Zara Alvarez
Ika-17 ng Agosto taong 2020, pinaputukan ng tatlong beses ang tagapagtanggol ng karapatang pantao ng Pilipinas, guro at ina ng isang menor de edad na anak na babae na si Zara Alvarez na nagresulta sa pagkamatay habang nakahandusay sa sahig ng Baranggay Mandalagan, Bacolod City. Dalawang taon makalipas ang lapastangang pagpatay kay Zara wala pa ring hustisya at hindi pa rin nahuhuli ang suspek sa naganap na krimen.
Uhaw na uhaw na sa hustisya ang sambayanang Pilipino ngunit tila nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan noon ang administrasyong Duterte. Kasama ng mga biktima, aktibista, at tagapagtanggol ng karapatan, matatag na tumitindig ang Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal para sa hustisyang nararapat sa mga biktima ng karahasan at kawalanghiyaan ng rehimeng Duterte.
Si Zara Alvarez ay isang dedikado at kilalang human rights activist at community organizer, na sumuporta sa magsasakang walang sariling lupa at manggagawang pang-agrikultura upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, lalo na sa kanyang sariling bayan, ang isla ng Negros. Nagtrabaho siya nang malapit kasama ng iba pang mga human rights NGO at mga organisasyon ng simbahan. Huling nagtrabaho si Alvarez sa NIHIP-CD (Negros Island Health Integrated Program for Community Development) bilang research and advocacy officer. Sinamahan ng AMP ang pagsisikap ni Alvarez na suportahan ang mga pamilyang magsasaka at mga biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao na inalisan ng kanilang mga karapatan sa loob ng maraming taon.
Ika-13 biktima ng Extrajudicial Killings sa ilalim ng administrasyong Duterte ang tagapagsulong ng karapatang pantao sa ilalim ng grupong Karapatan si Alvarez. Matatandaang humingi pa ng proteksiyon na kasulatan sa korte si Alvarez ngunit siya ay tinanggihan na naging dahilan upang maghain ng apela ngunit karahasan at bala ang itinanim ng nakaraang administrasyon.
Sa pagtatapos ng termino ni Duterte ay tila yata kampante ito at walang multong bumabagabag mula sa mga atrosidad at karahasang idinulot nito sa sambayanang Pilipino. Matiwasay na namumuhay samantalang naghihikahos sa hustisya ang mga natirang kaanak ng mga biktimang tinuldukan ang buhay para pagtakpan ang baho at bulok na sistema ng kanyang nagdaang administrasyon.
Sa pag-alala natin sa ikalawang taong pagkamatay ni Zara Alvarez ay ang muling pagpapaigting din ng panawagang hustisya para sa mga biktima ng karahasan ng administrasyong Duterte. Gunitain natin ang pamana ni Zara Alvarez bilang isang madamdamin, hindi makasarili at dedikadong manggagawa ng karapatang pantao, sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng pakikibaka para sa pagsasakatuparan ng mga karapatan ng mga tao.
#JusticeForZaraAlvarez
#JusticeForEJKVictims
#DutertePanagutin