First Day Fight!
Official statement of the CEAT Student Council on the Start of the Second Semester, A.Y. 2021-2022

Magdadalawang taon na ang nakalipas mula noong natigil ang face-to-face classes ng mga eskwelahan at unibersidad. At habang ang ibang bansa ay nagbabalik-normal na, nanatiling modular o online ang setup pa rin ang karamihan ng mga paaralan sa Pilipinas.
Sa ating pamantasan, bagaman pinayagan na ang limited face-to-face classes, ang higit na nakakararami ay nagtitiis pa rin sa online setup. Dagdag pa rito ang kahirapang dinanas ng bawat estudyante sa paggamit ng SAIS kung saan iba’t ibang problemang teknikal ang kanilang nasalubong noong Enero lamang. Sa kabila nito, nanatiling mababa ang budget para sa institusyon ng pag-aaral.
Sa pagsisimula ng ating semestre, nakikiisa ang CEAT Student Council sa First Day Fight para bakahin ang malinaw na plano para sa Ligtas na Balik Eskwela, pag-taas sa budget ng edukasyon, at pag-tigil sa UP system budget cut.
Ang edukasyon ay karapatan at hanga’t hindi binibigyan ng prayoritidad ang edukasyon, libo-libong mag-aaral ang patuloy na magdurusa.
#NoToUPBudgetCut
#EducationBudgetItaas
#UPLBNoStudentLeftBehind
#LigtasNaBalikEskwela
#FirstDayFight