top of page

"The Filipino is Worth Dying For"

Opisyal na Pahayag ng Ceat Student Council Hinggil Paggunita sa Ninoy Aquino Day

"The Filipino is Worth Dying For"

Ika-21 ng Agosto taong 1983, pinaslang ang isang maimpluwensya at inspirasyonal na Pilipinong politiko na nakipaglaban para sa kalayaan at isang malayang demokrasya, si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. Ginugunita natin ang sukdulang sakripisyong ginawa ni Ninoy Aquino para sa mamamayan ng Pilipinas. Kaisa ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-Agro-Industriyal, gunitain natin ang Pilipinong tanyag sa mga katagang "The Filipino is worth dying for".

Matapos magsilbi sa panahon ng bilangguan para sa kanyang pagsalungat sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noon, si Aquino, na napunta sa pagkatapon sa kanyang paglaya ay binalak na muling pumasok sa pulitika ng Pilipino ngunit bigo sapagkat pinaslang sa noo’y Manila International Airport sa pagbalik sa Pilipinas noong 1983.

Noon din ay pagod na ang mga Pilipino sa dalawang dekada na diktadurang Marcos, kasama ang mga paglabag sa karapatan, batas militar, talamak na korapsyon, at papalubog na ekonomiya. Ngunit ang pagpaslang kay Aquino, sa sikat ng araw, ay ang nagpaigting sa isang malaking laban. Nagliyab ang puso ng mga Pilipino at sama-samang nag-alsa pagkaraan ng tatlong taon, na nagbunsod upang ipatapon ang pamilyang Marcos sa Hawaii, kung saan namatay ang diktador noong 1989.

Ngayong araw rin ay isang paalala sa mga Pilipino na ang ating kalayaang tinatamasa ay isang huwad na kalayaan. Kalayaan bang maituturing ang binigay sa atin ng mga bago at mga nagdaang administrasyon? Ramdam at dinanas natin kung paano tinapakan ang ating mga karapatang pantao, kung paano pinalampas ang pambababoy sa batas ng mga may katungkulan, at kung paano hinayaang makaupong muli ang mga trapo.

Napatalsik na natin noon ang isang diktador at hindi malabong makapagpatalsik tayo ng magkakait at tatapak sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Sama-sama nating gunitain ang araw na ito at tandaan na kailan man ay hindi natin ituturing na kalayaan ang huwad na kalayaan, kasabay nito, inaalala rin natin ang mga pinaslang at nag-alay ng buhay sa ilalim ng rehimeng Marcos dahil sa kanilang tapang para ipaglaban ang ating bansa.

#NinoyAquinoDay
#HuwadNaKalayaan

bottom of page